• Blog
  • Cómo rezar el Rosario
  • Cómo rezar el Ave María
  • Ayuda
  • Miércoles de Ceniza 2025
  • Cuaresma 2026: La Guía Completa del Tiempo Católico de Cuaresma
  • A qué renunciar en Cuaresma en 2026: Ideas prácticas para ayunar en Cuaresma
  • Reglas del Ayuno de Cuaresma: Reglas católicas para ayunar durante la Cuaresma de 2026
© 2026 Hallow, Inc.
  • Ajustes
  • Política de privacidad
  • Términos de servicio
  • Derechos de autor
      • Carreras
      • Como Rezar
      • La aplicación
      • Parroquias y Escuelas
      • Adviento
      • Descubrir
      • Iniciar sesión
      • Carreras
      • Como Rezar
      • La aplicación
      • Parroquias y Escuelas
      • Adviento
      • Descubrir
      • Iniciar sesión
      Progreso
      Job Seeker's Novena
      7.67K se unieron
      Job Seeker's Novena
      Tara, dasal tayo! Samahan sina beteranong aktor Nonie Buencamino at Fr. Franz Dizon sa isang 9-day novena para sa mga naghahanap ng trabaho, direksyon, at panibagong pag-asa. Sa gitna ng paghihintay, rejection, pag-aalala sa pamilya, at mga tanong tungkol sa kinabukasan, dalhin natin sa Diyos ang lahat ng ating pinagdaraanan. Pagnilayan din natin kung paanong maging ang paghahanap ng trabaho—at balang araw, ang mismong trabaho natin—ay maaaring maging daan ng paglilingkod, panalangin, at kabanalan. Hindi ka nag-iisa sa paghihintay. Tara, dasal tayo!
      10 sesiones
        1Day 0 - PambungadSa gitna ng paghihintay, bills, at pangamba para sa pamilya, hindi mo kailangang magkunwari sa harap ng Diyos. Samahan sina Nonie at Fr. Franz sa pagdadala ng lahat sa Kanya at sa mas malalim na pagtitiwala kay Kristo.
        Job Seeker's Novena3 min
        2Day 1 - PagkawalaKapag tahimik ang inbox at hindi mo makita kung saan papunta ang buhay mo, madaling mawalan ng pag-asa. Sa unang araw, dadalhin natin kay Lord ang pagkawala ng pag-asa at panghahawakan natin ang katotohanan na nakikita Niya ang hindi mo pa nakikita.
        Job Seeker's Novena10 min
        3Day 2 - PaghahangadNakakapagod mag-apply, ma-reject, at ma-ghost. Ngayong araw, aalalahanin nating ang katahimikan ng Diyos ay hindi pag-ghost, at hihingi tayo ng tapang para patuloy na humingi, maghanap, at kumatok.
        Job Seeker's Novena9 min
        4Day 3 - PaghahambingMasakit makita na parang umuusad na ang iba habang naghihintay ka pa rin. Ngayong araw, aalalahanin nating may halaga ka bago pa ang trabaho mo at may sariling mabuting ipinagkakatiwala ang Diyos sa iyo.
        Job Seeker's Novena11 min
        5Day 4 - PagpapasanKapag gusto mong maging sandalan ng pamilya pero ikaw mismo ang nangangailangan ng tulong, mabigat itong pasanin. Ngayong araw, ilalapit natin kay Jesus ang mga responsibilidad na hindi natin kayang buhatin mag-isa.
        Job Seeker's Novena9 min
        6Day 5 - PaghingiKapag kapos na at kailangan mong humingi o manghiram, madaling makaramdam ng hiya. Ngayong araw, hihilingin natin ang tapang at kababaang-loob na tumanggap ng tulong nang hindi kinakalimutan ang ating dignidad.
        Job Seeker's Novena9 min
        7Day 6 - PabigatKapag matagal nang walang trabaho, puwedeng pumasok ang tanong: "Pabigat na ba ako?" Ngayong araw, aalalahanin nating hindi ikaw ang pabigat bagkus may bigat kang dinadala, at hindi nawala ang mga kaloob ng Diyos sa iyo.
        Job Seeker's Novena10 min
        8Day 7 - PagkatakotKapag nauubos ang ipon at sunod-sunod ang mga "what ifs?" nakaka-overwhelm. Ngayong araw, dadalhin natin ang takot sa Diyos at hihingi ng tapang para sa susunod na mabuting hakbang habang tayo'y naghihintay ng bagong oportunidad.
        Job Seeker's Novena9 min
        9Day 8 - PagkukulangKapag paulit-ulit kang hindi napipili, madaling isipin na may mali sa iyo. Ngayong araw, haharapin natin ang self-doubt, ang mga bagay na kailangan pa nating hubugin, at aalalahaning hindi nakasalalay sa employer ang ating dignidad.
        Job Seeker's Novena12 min
        10Day 9 - PatutunguhanMaaaring wala pa ring kasiguruhan ang ating job search, pero hindi naka-hold ang buhay natin habang naghihintay. Sa huling araw, aalalahanin nating maging ang paghahanap ng trabaho ay maaaring maging panalangin at landas ng kabanalan.
        Job Seeker's Novena13 min